Friday, February 1, 2013

Hoy, kahoy!

"Trees...but only God can make a tree."

Tula yan ni Joyce Kilmer.  Minsan may nakita akong nakapaskil na tula sa mga tabing-daan na maraming puno sa o malapit sa mga tree farm. Totoo naman, Kilmer. Oo, ang punong-kahoy ay isa sa mga lalang ng Diyos na napakahalaga sa tao. Huwag nang ibilang ang gamit sa pagtatayo ng bahay... may mga prutas na pagkain... muwebles sa mga mansion, atbp.

Alam niyo ba, may tela na gawa sa selyula ng kahoy?

Ang tuba sa Leyte ay hindi magiging bahalina kung walang tungog na mula sa panit ng isang klase ng kahoy--trade secret. 

Espesyal na kahoy ang gamit sa gitara, biyolin at cello. 

Ordinaryong kahoy ay ginagawang papel, karton at plastik. 

Pangit ang isang lugar na walang mga punong-kahoy. Tuyo at malamang disyerto ang kalalabasan ng ganyang lugar.

Ang litrato sa itaas ay kuha sa bundok ng Manolo Fortich, Bukidnon. Malamig ang klima, na parang Baguio...pero walang polusyon. Masarap magbakasyon dito.

Ang nasa ibaba naman ay kuha ng iphone sa paanan ng bundok ng Mt. Kitanglad, sa bandang Malaybalay, Bukidnon. Hindi mo makakalimutan na may Diyos.






1 comment: