Thursday, January 31, 2013

Bakit Takot Sila sa Bagyo

Dumating ang dalawang malakas na bagyo sa Mindanao.  Ito ang Sendong, na naghatid ng baha sa Cagayan de Oro umaga ng Disyembre 17, 2011. Sumunod ang Pablo na nagpadapa ng mga kabahayan at mga pananim sa Davao Oriental noong Disyembre 4, 2012. Dalawang bagyo na naghatid ng pangamba sa mga apektadong lugar.

 Tatlong video ang ipapakita dito upang malaman kung gaano katindi ag dalawang bagyo.

For the first time, wika nga. Ngayon lang nangyari
ito sa Mindanao.
 Anong ibig sabihin nito? 

Si Sendong ay baha ang dala.   Alas dos ng madaling araw nang mapuno ang mga ilog at umapaw. Maraming bahay sa tabing ilog ang naglaho. Maraming nawalan nang tahanan sa mga subdibisyon na malapit sa pampang ng ilog. Maraming buhay ang nabuwis sa bahang humakot ng mga basura, mga bahay, at lahat ng puwedeng tangayin at ilibing sa ilalim ng ilog at ng dagat.

Sa Davao Oriental, magbubukang liwayway nang himagupit si Pablo. Mga lumang  bahay ay parang laruan na hinampas. Ilang libong ektarya ng pananim--saging. niyog at mga prutas-- ang pinadapa at inilibing kasama ang mga sangkap ng bahay at mga taong namatay sa unos. Mahigit ang pinsala kaysa sa Pablo at mas maraming namatay. For the first time, nakaranas ang mga tao ng bagyo. At kitangg-kita nila ang pagwasak ng bagyo sa kanilang pamayanan.

Sa Luzon lamang ito makikita. Kaya kaakibat na takot ang namayani. Hanggang ngayon. Parusa ng Kalikasan! Parusa ng Diyos!

Bakit hindi?  Sa Mindanao kalbo na ang mga bundok! Sa Mindanao, palasak ang gamit ng lason at pestisidyo sa agrikultura. May  mga balitang aborsiyon sa kababaihan. Maraming bata umano ang nasa Child Labor.

Mga simpleng bagay para sa mga maralita--parang hindi alintana. Ang respeto sa Diyos
na lumikha ay nawawala. Sa bagyo nga ba nagsalita ang Diyos?

No comments:

Post a Comment